anak ka ng tokwa!

traveler. =X

Chaw.Potss.Pogi.

First and foremost, isa akong super frolicsome juvenile. Alam niyo naman siguro yung frolicsome diba? Ang juvenile, right? Tss. I’m thirteen (Oo alam ko, muka akong matanda. Magulat na kayo kung magulat.) Isa akong sophomore student na pumapasok sa Angeles City Science High School – Special Science Class. For short, ACSHS-SSC. Oo. Lahat doon matalino. Admit ko matalino talaga ako kaso tamad lang talaga ako. Isa akong sakiting bata. Asthmatic.Cough-a-matic. Ako’y mahahanap sa isang probinsya sa Region Three. Pampanga-beib. Lols. Isang nilalang na nilihi kay Kokey ng Abs-Cbn. Isang taong sobrang kalog at sobrang mapangtrip. Mabilis din mahulog kahit wala naman sumasalo. Clumsy for short.

Babaeng mahaba ang buhok, kayumanggi, naka-braces, at maliit. Ang sabi raw sakin, muka akong masungit at maarte. Pero hindi naman. As in hindi talaga. Opposite pa nga ng inaakala nila eh. Oo opposite. Sobrang baet (wow.) at sobrang conservative. Hindi ako ang tipo ng babae na nagsusuot ng palda (di bale nalang kung pasukan at mga play) at hindi ako ang tipong mahilig magsuot ng isang sandal na kilometro ang haba ng takong. Matakaw ako, sobra. Gastarol din pero marunong magtipid kung kinakailangan.  Mahilig ako ngumiti, at tumawa. Oo, pinagkakamalan nila ako na isang weirdo ng campus. Kasi may times na, nakatulala lang ako sa isang pader tapos makikita ako ng aking mga kaklase at ayun, bigla nalang daw ako tumatawa ng walang dahilan. Pero the truth is, may naaalala akong maganda. Tsk. Yun ang ayaw nila alamin. :S

Mahilig ako sumayaw at makinig sa musika. Boyfriend ko ata ang music. Isa akong number one fan ng Jabbawockeez. As in gusto ko talagang matutunan yung mga moves nila (parang tomboy eh, noh?). Ang astig kasi nila tignan, diba? Pero marunong ako sumaway, may pagka-fast learner. Marunong ako mag drawing. Lalo na kapag poster-making an pinag-uusapan talagang nawiwindang ang utak kong sira. Mahilig ako bumili ng Oil Pastel (Yung tig-36 pieces pa nga eh.) Mahilig din akong magsayang nito. I can say talagang na-hook na ako sa arts. Pati nga pagwala akong ginagawa sa school, hindi ko napapansin, navavandalize ko na pala ng kung ano-ano yung desk ko.

Speaking of school, favorite subjects ko yung mga subjects na related sa math. Like Trigonometry and Algebra. Second, yung mga math subjects na related sa science; Statistics and Physics. And Lastly, yung mga science; Botany and Chemistry. Well, madalang lang ako magkagusto sa mga subjects na Science. Masaya lang kasi mga teacher na nagtuturo ngayon. :D

No Comments Yet »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Blog at WordPress.com.